Surah Al-Baqarah — kabanata 2 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 286 talata.
Alif. Lām. Mīm. Ang mga ito ay kabilang sa mga titik na ipinambungad sa ilan sa mga kabanata ng Qur'ān. Ang mga ito ay mga titik ng alpabetong Arabe na walang kahulugan sa sarili mismo kapag nasaad nang isahan gaya nito: alif, bā', tā', at iba pa.