Surah At-Taghabun

Surah At-Taghabun — kabanata 64 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 18 talata.

Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh at nagpapabanal sa Kanya sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya na mga katangian ng kakulangan ang bawat anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa na mga nilikha. Sa Kanya lamang ang paghahari kaya walang haring iba pa sa Kanya at ukol sa Kanya ang pagbubunying maganda.