Surah As-Saff — kabanata 61 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 14 talata.
Nagpawalang-kapintasan kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at nagpabanal sa Kanya laban sa bawat hindi nababagay sa kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.