Surah Al-Mujadilah — kabanata 58 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 22 talata.
Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng babae (si Khawlah bint Tha`labah) na sumasangguni sa iyo, O Sugo, hinggil sa pumapatungkol sa asawa niya (si Aws bin Aṣ-Ṣāmit) noong nagsagawa ito sa kanya ng diborsiyong dhihār (paghahalintulad sa maybahay sa ina ng asawa) at dumaraing kay Allāh ng ginawa sa kanya ng asawa niya.