Surah Al-Hujurat — kabanata 49 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 18 talata.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag kayong mauna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya ng isang sasabihin o isang gagawin at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.