Surah Al-Munafiqun — kabanata 63 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 11 talata.
Kapag dumalo sa pagtitipon mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na nagpapalitaw ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh, sa totoo. " Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya, sa totoo.