Surah Al-Masad

Surah Al-Masad — kabanata 111 ng Banal na Quran, isang Meccan surah na may 5 talata.

Nalugi ang dalawang kamay ng tiyuhin ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na si Abū Lahab bin `Abdulmuṭṭalib dahil sa pagkalugi ng gawain niya yayamang siya noon ay nananakit sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nabigo ang pagpupunyagi niya.