Surah Al-Hashr

Surah Al-Hashr — kabanata 59 ng Banal na Quran, isang Medinan surah na may 24 talata.

Dumakila kay Allāh at nagpawalang-kapintasan sa Kanya palayo sa anumang hindi nababagay sa Kanya ang lahat ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa na mga nilikha. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.